mahirap masanay sa dilim..
nangangapa nang nakapikit sa ligaw na pangarap
at damdamin..
mahirap masanay sa lungkot..
unti-unti kang hihilahin ng kawalan ng pag-asa't
pagkabagot..
mahirap masanay sa pag-iisa..
gumugunita ng mga di malilimutang masasakit
na ala-ala..
hindi naman dapat ganoon..
hindi naman dapat masanay
sa dilim,
sa lungkot,
sa pang-iisa..
ang dilim kakikitaan din ng pira-pirasong liwanag..
ang lungkot ay mapapawi din ng mumunting mga ngiti..
ang pag-iisa'y mahahanapan din ng katuwang..
hindi habang panahon
mangangapa,
mababagot,
mangungulila..
hindi habang panahon
pipikit,
masasaktan,
luluha..
lahat ng bagay me katapusan..
matatapos din
ang dilim,
ang lungkot,
ang pag-iisa..
lahat kailangan ng panimula..
magsisimula din
ang liwanag,
ang ligaya,
ang pagtutuwang..
kailangan lang
mamulat,
ngumiti,
makaunawa..
mamulat sa gitna ng dilim..
ngumiti sa kabila ng lungkot..
makaunawa habang nag-iisa..
Tuesday, September 5, 2006
kasanayan..
~oOo~
squezzed out of marikat around 4:14 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment