After awhile you learn the subtle difference
between holding a hand and chaining a soul
and you learn that love doesn't mean possession
and company doesn't mean security.
And you begin to learn that kisses aren't contracts
and presents aren't promises
and you begin to accept your defeats with your head up
and your eyes ahead
with the grace of an adult not the grief of a child.
And you learn to build your roads today
because tomorrow's ground is too uncertain for plans
and futures have ways of falling down in mid-flight.
After awhile you learn that even sunshine burns if you get too much
so you plant your own garden and decorate your own soul
instead of waiting for someone to bring you flowers.
And you learn that you really can endure
that you really are strong
and you really do have worth
and you learn and you learn...with every goodbye you learn.
--- Virginia Shopstall [ comes the dawn ]
Friday, September 29, 2006
dreary..
squezzed out of marikat around 4:33 AM 0 people otherwise said
Wednesday, September 13, 2006
matalino ako!
ano nga ba ang sukatan ng talino??
dumadating din ang tao sa panahon na wala talaga syang magawa (madalas atang mangyari sa akin to ngayon) , at naiisipan nyang sumagot ng mga online IQ test..
at iyon nga ang ginawa ko..
medyo mahaba ang test.. 11 pages ito.. halo-halo.. me verbal reasoning, me abstract patterns at syempre mawawala ba naman ang math?!?
di nga ako makapagconcentrate nung nagsasagot ako.. pano ba naman?? dun sa left side nung site e me mga larawan ng mga babae na kita ang dibdib!! hehe.. baka mamaya e me makakita sa akin, sabihin nagsusurf ako ng mga porn sites.. hehe.. mawalan pa ko ng trabaho..
eto naman ang resulta:
ang sabi sa http://www.increasebrainpower.com/iq-scale.html ang tao daw na me IQ between 135 to 144 ay very gifted.. naks, gifted child pala ko.. asan na ang promil commercial ko??
sinabi din sa result na ako daw ay "facts curator".. wuhdahekisdat??
ayon na din sa aking pagsasaliksik, ang ibig sabihin daw nun ay eto:
"Like a meticulous collector, you've fed your brain a unique set of facts and figures over the years. Words, numbers, you've got it all. That's what makes you a Facts Curator. Whether or not you intend to absorb every piece of information that comes your way, your mind has certain steel-trap qualities to it. You are a knowledge sponge. You have almost enough words in your head to fill a dictionary, and you're equally adept when it comes to manipulating numbers. You can also detect important patterns in number sequences, and probably remember the mnemonic devices you were taught in grade school.
You may feel comfortable in classroom settings where absorbing details is critical. You're also able to learn from example and piece together all the little facts in life to get to the big picture. That's why you never stop accumulating information as you walk through life. Your strengths lie in both the verbal and math realms — placing you in the same arena as someone like Bill Gates. Gates has the ability to not only store and retrieve an especially large amount of specialized data, but to translate and present that information to the population at large. His entire empire is based on this unique talent. And to think — your brain works in this same way! When it comes right down to it, you and other Facts Curators can ride a wave of information to live a truly enriched life."
hmm.. not bad.. at me kadugtong pa..
Great Jobs For You
Some of Your Greatest Talents
ayos.. kung magiging kasing-yaman din ako ni pareng bill gates e.. why not??
at least hindi naman nalalayo ung trabaho ko ngayon sa mga career na suited sa type of intelligence ko.. hehe..
I WANT A FULL REPORT!!!
pag click ko sa button ay:
ay! 12.95 dollars.. hehe..
mukhang alam ko na kung para saan ang 135 IQ score ko.. hehe..
let's all go back to FREE results..
peace and love everyone.. :P
~oOo~
squezzed out of marikat around 6:21 PM 3 people otherwise said
Monday, September 11, 2006
drag the smoke..
ako kasi, happy go lucky talaga.. just go with the flow.. bahala na.. mali ata diskarte ko.. when i was younger, it was okay.. siguro ngaun hindi na.. hindi na pwede ung balewalain ko muna sa umpisa at intayin na ung problema ang mag-ayos sa sarili nya.. believe it or not, madalas mangyari to sa kin.. when i'm stuck in deep shit, me dadating at aayos nito para sa akin.. not this time.. tumatanda ka na, kat.. dapat once in while, isipin mo din ang magiging outcome ng mga actions mo..
and i hate not knowing what to do.. paano ko nga naman malalaman kung ano ang gagawin ko kung hindi ko talaga alam kung paano ako nasadlak sa gitna ng gulo?? kung pede lang maglaho kahit sandali.. kahit mga 3 years lang.. haha..
o kaya kausapin mo ko kung anong problema mo.. kung ako ba ang problema..
ayokong mangapa sa dilim..
just start right, kat.. just start right..
squezzed out of marikat around 8:43 PM 0 people otherwise said
Tuesday, September 5, 2006
kasanayan..
mahirap masanay sa dilim..
nangangapa nang nakapikit sa ligaw na pangarap
at damdamin..
mahirap masanay sa lungkot..
unti-unti kang hihilahin ng kawalan ng pag-asa't
pagkabagot..
mahirap masanay sa pag-iisa..
gumugunita ng mga di malilimutang masasakit
na ala-ala..
hindi naman dapat ganoon..
hindi naman dapat masanay
sa dilim,
sa lungkot,
sa pang-iisa..
ang dilim kakikitaan din ng pira-pirasong liwanag..
ang lungkot ay mapapawi din ng mumunting mga ngiti..
ang pag-iisa'y mahahanapan din ng katuwang..
hindi habang panahon
mangangapa,
mababagot,
mangungulila..
hindi habang panahon
pipikit,
masasaktan,
luluha..
lahat ng bagay me katapusan..
matatapos din
ang dilim,
ang lungkot,
ang pag-iisa..
lahat kailangan ng panimula..
magsisimula din
ang liwanag,
ang ligaya,
ang pagtutuwang..
kailangan lang
mamulat,
ngumiti,
makaunawa..
mamulat sa gitna ng dilim..
ngumiti sa kabila ng lungkot..
makaunawa habang nag-iisa..
squezzed out of marikat around 4:14 PM 0 people otherwise said