Monday, December 17, 2007

bakit nga ba tayo ulit?

eto na naman.. malapit na naman tayong magcelebrate ng anniversary natin.. parang ambilis, pero isang taon na naman pala ang nakalipas.. isang taong puno ng tawa, luha, pag-ibig at pangungulila..


habang iniintay natin ang ating "special day", na buti na lang na maicecelebrate nating magkasama, me nabasa ko sa pag-iikot ko sa internet.. isang quotation galing kay Kahlil Gibran, sabi nya:
"Everyone has experienced that truth: that love, like a running brook, is disregarded, taken for granted; but when the brook freezes over, then people begin to remember how it was when it ran, and they want it to run again.."


sakto diba?


ilang beses na din tayong naghiwalay.. ilang beses na ding nagpalit ng anniversary date.. ilang beses nang umiyak, nasaktan at nanumbat.. pero hanggang ngayon tayo pa din..


bakit nga ba?


bakit nga ba na sa kabila ng paulit ulit ko na pagsuko, andyan ka pa din? lagi mo pa ding sinasabi na di ka bibitaw??


bakit nga ba na sa kabila ng paulit ulit nang nasasaktan ang damdamin ko andito pa din ako? nakaalalay pa din ako sayo??


andami nang nangyari.. andami na nating pinagdaan..


at patuloy na pinagdadaanan.. pero eto pa din tayo, di nadadala..


oo.. magkahiwalay tayo ngayon, at ang tanging pinanghahawakan ay ang pangako natin sa isa't - isa.. na mahal mo ko at mahal din kita..


kahit gaano man kakomplikado ang sitwasyon natin ngayon, sapat na naman siguro yun diba??


sapat na siguro yun para sabihin natin na tayo na nga talaga.. :)




***************************
i hope that we never let the brook freeze again, lest we freeze it to the core and never see it run again..





~oOo~